My heart bleeds no more… Since turning into stone…
May 20th, 2009 by clovis16“kaya kong mabuhay kahit na wala siya….”
Yan na lang nasabi ko sa sarili ko simula nung nawala siya sa buhay ko…Pero hindi ko naisip na mabubuhay ako ng ganito kahirap… Oo nga, nakaya kong mabuhay, pero ayaw ko ng mabuhay kung ang magiging buhay ko ay ganito kahirap… Pakiramdam ko pinapatay ako pa-unti unti sa mga ngyayari… Nakakapanghina… kahit na ayaw mong isipin, palagi ka na lang ginugulo ng isip mo sa mga nangyari… Kung mayroon mang makapagpapalimot sa akin sa mga nangyari, sana mauntog na lang ako kung saan man pwede akong mauntog at magka-amnesia na ako para wala na akong maalala… Kahit na pangalan ko pa’y makalimutan ko, ayos lang… Wag ko lang maisip na iniwan na niya ako para hindi ko na maramdaman ang sakit…
Sana magkaroon na ng panghabambuhay na lunas sa nararamdaman ko ngayon… Minsan sumagi sa isip ko talagang magpakamatay pero masama kaya sana kung kalooban na ng Panginoon na kunin na ako, wag na niya akong pahirapan ng ganito dahil doon din naman ang tungo ko…
Hindi ako yung taong nambabali ng pangako sa isang babae… Basta kapag sinabi kong hindi ko kayang mawala siya, at nangako ako, tiyak, totoo talaga ang sinasabi ko… siguro nga “promises are made to be broken..” pero ano na ang tamang term ngayon para sa “pangako” kung ang mga pangako ngayon, nababali na… Masakit pa naman kapag nangako sa iyo ang isang tao sabay hindi naman pala matutuloy… Kaya minsan, iniisip kong ayaw ko na talagang magmahal ng iba dahil nababali lang ang mga pangakong galing talaga sa puso mo…
“Here I go!!!!scream my lungs out, try to get to you, You are my Only One……“